Games Achievements My Kong Sign In
avatar for scihiangel

scihiangel

Points needed for next level: 50 Level

  • Friend
  • Private Message
  • Tools

Minsan, kung sino pa ang inaasahan mong magtatanggol sa yo, siya pa ang naninira sayo. At yung hindi mo inaasahan, ang siyang nagtatanggol sayo. Bakit nga ba ganon? Minsan mas maiigi pa umasa sa ibang tao kaysa sa sarili mong kamag-anak. Mas bukas ang utak ng ibang tao sa pag-intindi sa pag-uugali mo, at and mga ka-dugo na dapat na mas nakakakilala sayo ay sarado ang pag-iisip sa mga pinag-gagagawa mo. Para sa kanila, wala kang ginawang tama. At lahat ng ginawa mo ay kahihiyan para sa kanila.

Pinalaki ako ng aking nanay sa tamang pag-iisip, tapat na pag-gawa, at pagsabi ng totoo. Kasalanan ko bang nasasaktan sila sa mga sinasabi ko? Marunong naman akong ilugar ang aking sarili, pero may mga pag-kakataon na may mga bagay na dapat mong sabihin sa kanila dahil mas maigi na marinig nila galling sayo kaysa sa iba, pero kahit anong ganda ng intensyon mo ay tila hindi nila maintindihan na iniisip mo lang ang kapakanan nila. Minamasama nila ang pag-gawa mo ng mabuti sa kanila dahil hindi nila binubukas ang kanilang mga isip sa mga nangyayari. Mas gusto ma nila na makipagplastikan ka nalang at itago kung ano man ang saloobin mo.

“Pabayaan mo na lang, ganun talaga siya eh” Yan madalas na sinasabi kapag may napansin kang mali sa kamag-anak mo at gusto mo itong itama sa pag sabi sa kanya, ngunit mamasamain nya ang sinabi mo at magagalit pa sayo. Hindi pa sya makokontento at sisiraan ka pa sa ibang tao. Papalabasing wala kang pakialam sa damdamin ng iba. “Nako, wag ka masyado didikit dyan. Napakasakit nyan mag-salita, at hindi yan mapagkakatiwalaan”

Hindi ako inconsiderate. Nagkataon lang na mas gusto kong mag-sabi ng totoo at masaktan ka, kaysa magsinungaling ako sayo at pag nalaman mo ang totoo ay mas masakit ang mararamdaman mo. Lahat tayo ayaw ng pinasusungalingan, pero bakit tayo laging nagsisinungaling? Isa pang madalas sabihin sa akin ng aking nanay ay lagi ko i-apply ang Golden Rule.. “Do unto others what you want them to do unto you” Gusto ko lagi nagsasabi ng totoo sa akin ang mga taong malapit sa akin, kaya kahit mahirap na minsan, pinipilit ko pa din magsabi ng totoo sa kanila.

Activity Feed

    scihiangel has not published any activity yet.Would you like to post a shout to welcome them to Kongregate?

See all shouts »

Awards

Friends

Badges

My Games

Developers Players Support YouTube TikTok X (Twitter) LinkedIn
Join the conversation Join Discord
Terms of Service Privacy Policy Code of Conduct
© 2025 Kongregate